HINDI alam ni Mara kung paano niya nagawang makabalik sa resthouse ni Doktora Eliza sa Batangas. Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman niya ngayon na bumalik na ang kanyang alaala. Nagsisisi siya kung bakit hindi siya noon nagsumbong sa pamilya niya. Kung hindi niya sinarili ang lahat sana buhay pa ngayon ang mga mahal niya sa buhay. Sana masaya na ngayon nagsasama ang kanyang kapatid at si Denver. . . sana malaki na ang anak ng mga ito. Naiintindihihan na niya ngayon kung bakit ganoon ang reaksyon ni Denver nang una silang magkita sa shelter. Naalala rin niya ang poot at galit nito sa kanya. Sinisisi siya nito sa lahat ng nangyari kaya hindi malayo na paghihiganti nga ang pakay nito sa kanya. O kung totoo man na mahal siya nito ay pakiramdam niya ay wala pa rin siyang karapatan na

