Habang nakatingin si Priya sa pwesto ni Alken ay napansin niya na mukhang seryoso ang pinag-usapan ng dalawa. Sa nakikita niya ay mukhang close na magkaibigan ang dalawa. Hindi alam ni Priya na kasama ang lalaking ito noong may kasiyahan sa mansyon ni Alken. Ang araw na muntik na siyang magahasa ni Miguel. Napabuntong hinihinga si Priya dahil sa wakas ay hindi na rin ito nakabalik pa sa mansyon. Pakiramdam niya kasi hindi siya ligtas kapag nakikita niya ang lalaki. Nakaramdam si Priya na maiihi na siya at hindi niya alam kung saan banda ang banyo. Ayaw naman niyang makaisturbo sa dalawa lalaki na nag-uusap kaya nagkusa na lang siyang hanapin mag-isa ang comfort room. Kahit na medyo nag-aalangan man dahil wala siyang kasama, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginawa. Sinun

