"Bakit, ano'ng kailangan mo?" mataray nitong tanong kay Priya habang ngumunguya ng bubble gum. Ni hindi man lang ito nakitaan ni Priya ng paghihirap na itaas ang isang kilay habang ngumunguya. Mukhang hindi talaga siya nito nakilala dahil sa itsura niya. Nakasandal ito sa doorjamb na para bang pagmamay-ari niya ang bahay namin. "Nasaan ang Papa ko?" mahinahon at diretsahan niyang tanong sa babae. Wala na siyang balak na magpaligoy-ligoy pa. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. "Sino'ng Papa ba ang tinutukoy mo?" inis nitong tanong pabalik. Tiningnan ni Priya ang loob ng bahay bago niya ito sinagot. "Ang may-ari mismo ng bahay na 'to." Hinarang ng babae ang katawan niya at ayaw na pasilipin si Priya. "Priya? Ang pangit mo na

