Gusto pang kumain ni Priya dahil sa gutom pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Mas kailangan niyang isipin ang bukas at sa susunod pa na bukas kaysa ngayon. Kailangan niyang iparanas sa kaniyang sarili ang pagiging madamot sa sarili upang magtagal siya sa laban ng buhay. Tumayo na siya kaagad matapos niyang magbayad sa tindira ng karenderya bago pa man magbago ang isip niya. Uminom lang siya ng maraming tubig at nagsimula nang maghanap nang mapapasukan na trabaho. Ni hindi na nga siya nagpahinga kahit isang saglit dahil pakiramdam niya ay hinahabol siya ng oras. Apat na oras na siyang naghanap ng trabaho pero wala pa rin kahit isa ang tumatanggap sa kaniya. Minsan ay hindi pa nga niya nasasabi ang sadya niya ay pinapaalis na siya kaagad ng hindi nakakapagsalita. Isang

