HINDI makontrol ni Derek ang init ng kanyang ulo. “s**t talaga! Kainis! Bakit ba ako nagkakaganito?” kausap niya sa sarili habang nakatitig siya sa halimaw na nasa loob ng malaking aquarium. “Nah! In love ka na nga, gago!” Nagulat si Derek nang may nagsalita at may pumukol sa batok niya. “f**k!” usal niya at napalingon sa lapastangan. Si Symon at Alessandro pala. Si Symon ‘yong nagsalita, boses pa lang. Nakahalukipkip si Alessandro habang nakangiting nakatingin sa kanya. Si Symon ay hawak ang baseball bat na siyang pinampukol sa batok niya pero mahina lang naman. “Nasaan ang friendship na sinasabi mo, Derek? Are you planning to escape the friend zone?” sabi ni Alessandro. “Anong friendship? Si Derek papayag na makipagkaibigan sa babae? Pupusta ako, naka-score na ‘yang gagong ‘yan!”

