NAKITA ni Farah sa kanyang portfolio ang natanggap niyang sulat noon na nakasulat sa Japanese litters. Hindi niya maintindihan ang sulat. Kailangan niyang maghanap ng taong marunong magbasa at nakaiintindi niyon. Ibinulsa niya ang papel. Pagkuwa’y lumabas na siya ng kuwarto. Aalis na kasi ang aircraft. Nasa rooftop ang aircraft. Naroon na si Elias at Rafael at iba pang kasama pero hindi niya nakita si Derek. Dalawang araw na niya itong hindi nakikita magmula noong dumating sila galing Palawan. Sumakay na rin siya nang magtawag na si Elias. Mainipin pa naman ito. “Bakit wala si Derek?” hindi natiis na tanong niya kay Rafael. Magkatabi sila sa upuan. Nasa likuran nila si Rhomz at Hannah. “Meron siyang inaasikaso,” sagot ni Rafael. “Hindi ba dapat narito siya dahil siya ang nagsa-suggest

