ILANG araw nang hindi makatulog si Cathy sa kaiisip sa sinabi ng kaibigan ni Dale doon sa bar. Iyak lang siya nang iyak, iyon lang naman ang kaya niyang gawin. “Iisang babae lang ang minamahal n’on hanggang ngayon; ’yong taga-UK. Siguro napakaganda ng babaeng iyon, dahil sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa mga kamay niya ay iyon lang ang iniyakan niya, lalo na nitong last two years.” Who’s that girl? Masasabi niyang napakasuwerte naman n’on para iyakan ng isang Montemayor. At nakakatawa lang ang sarili ni Cathy. Si Dale, umiiyak sa babaeng matagal na nitong mahal. Tapos siya umiiyak din kay Dale pag naiisip ang sakit na nararamdaman. Lalo na ang mga anak, paano na ang mga anghel niya walang kumpletong pamilya. Lumipas ang linggo na hindi nakikita ni Cathy ang mga anak at araw-araw na lu