Anong klaseng babae siya? Dahil sa samu't saring katanungan na gumugulo sa isipan ni Vivian kaya mabilis niyang inawat si Ice. "W-Wait lang." Malakas na tinanggal niya ang kamay nito sa loob ng kaniyang panty at itinulak ito palayo sa kaniya. Ramdam niya ang pagdagundong ng kaniyang dibdib at pagpintig ng kaniyang kaibuturan nang magkaroon sila ng distansiya sa isa't isa. Kahit namumula man ang mukha at parang matunaw siya sa harapan ni Ice ay dali-daling inayos ni Vivian ang kaniyang panty at pinantakip sa kaniyang dibdib ang dalawang kamay. Nasa likuran kasi ng binata ang kaniyang mga damit. At hindi niya alam kung paano kukunin ang mga iyon na hindi nagko-collapse kapag nakalapit na naman siya rito. "I'm sorry. Hindi ko dapat na ginawa iyon. I'm just carried away." Kinagat ni Vi

