"I'll check the Limo first," paalam niya kay Hendrix at pinuntahan na ang sasakyan na gagamitin nila. Bawat parte ng sasakyan ay sinigurado ni Ice na walang aberya. O ano mang bagay na sikretong nakalagay doon na posible gamitin laban sa kanila. Katulad na lang ng bomba o tracking device. Isa iyon sa mga ginagawa ni Ice para siguruhin ang seguridad ng kaibigan. Hindi dahil wala siyang tiwala sa mga kasamahan nila. Iba lang ang sigurado. Dahil katulad ng ama nito ay hindi rin ordinaryo o basta negosyante lang si Hendrix. He was more than that. Pati ang convoy nilang mga sasakyan na gagamitin naman nina Jigsaw ay ch-in-eck din ni Ice. Pagkatapos iyong gawin ay nangyaya na si Hendrix na aalis na. Pinauna ito sakay ni Ice. Habang siya ay naglakad na lang palabas ng gate. Nagmatyag muna s

