Nang dahil sa pagluhod at pagmamakaawa ng mga ito sa harapan ng ilan nilang mga kapitbahay na nakikiusyuso, at sa pakikipagmatigasan ni Vivian, feeling niya ay siya pa ang lumabas na masama. Pero hindi siya papayag. "Kung sa tingin n'yo ay masama ang ugali ko dahil pinapalayas ko ang dalawang ito. Puwes, tama kayo..." Sa mga kapitbahay nila nakatingin si Vivian. "Tama kayo dahil ito na ang huling beses na magpapatira ako ng isang kaibigan na kayang ahasin ang nobyo ko pagkatapos ko siyang pakainin at patirahin dito nang libre. At ito na rin ang huling beses na magpapauto ako sa isang lalaking tulad nito." Itinuro niya si Clinton. "Na manloloko at baboy!" Pagkatapos na marinig ang sinabi ni Vivian ay umugong ang bulong-bulungan sa paligid. Ang kanina'y pagkaawa ng mga kapitbahay niya kin

