"But you can still kiss other men just like that." Parang may tumusok sa puso ni Vivian. "Iniisip mo ba na easy to get ako at kung kani-kaninong lalaki lang magpapahalik? Kahit hindi ko naman kaano-ano?" "I'm also a stranger to you. Ilang araw pa lang tayong nagkakilala pero hinayaan mo na ako na halikan ka nang ganoon. Kaya hindi malabo na gawin mo rin iyon sa iba." Kinuha nito ang kamay niya at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa at ang mga labi nito ay dumampi sa leeg niya at hindi naman niya magawang sawayin ito. She liked the sensation and the pleasure it was giving her."And I don't even know why I'm scared and jealous." At hayon na naman ang puso ni Vivian, bumibilis na naman ang pagpintig. Dapat ay magalit siya sa sinabi ni Stephen na parang inaakusahan siya. Pero ano pa nga

