Nagtataka na nilingon ito ni Vivian at hindi niya napigilan ang bahagyang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makaramdam siya ng parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya nang hawakan nito ang braso niya. Nasundan niya ng tingin ang malabakal nitong kamay na nakahawak doon dahil sa pamilyaridad na naramdaman niya. Na para bang minsan na niya itong nakadaupang palad. At nang mag-angat siya ng tingin patungo sa mukha nito ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya na para bang naramdaman din nito ang naramdaman niya. Sa sandaling iyon ay halos dumoble ang t***k ng puso ni Vivian dahil sa kaba na hindi niya alam kung ano ang pinagmumulan. Saglit na napatitig sa kaniya ang lalaki bago nito binitiwan ang braso niya. Pero walang salitang namutawi sa bibig nito kaya sinamantala i

