"Bakit hindi mo gawin? Sabi mo nga, bodyguard lang kita at boss mo ako," naiinis niyang sabi. Ang hirap palang magpigil ng inis kung ganito kasungit ang lalaking kaharap mo. How dare him treated her like that? Hindi ganoon kung umasta ang isang bodyguard sa amo niya. Dapat ay mabait ito at magaling. Pero itong kaharap niya ngayon? Gentleman at protective nga pero wala man lang kalambing-lambing sa katawan. Ang lakas pa ng loob na sungitan siya. She didn't even know him personally! Bago pa man makakilos si Vivian para lumipat sa backseat ay namalayan na lang niya na nasa tabi na niya ang lalaki. At sa laking gulat niya ay walang ano-ano na binuhat siya nito at saka isinakay sa likuran ng sasakyan. "Why did you do that?!" galit na bulalas ni Vivian dahil sa labis na pagkagulat. Hindi

