"Promise. Pero hindi ko maipapangako na hindi niya malalaman. You know him--" "Pareho kayong overprotective pagdating sa'kin," dugtong niya sa sasabihin ng kapatid. Tumawa lang si Kuya Hendrix. Marami pa itong ibinilin sa kaniya bago sila nagpaalam sa isa't isa. Nguhit bago iyon ay mahigpit din na ibinilin ng kapatid na hindi siya puwedeng umuwi ng Pilipinas hangga't hindi sinasabi nito at ng kanilang ama. Nang maibaba ang cellphone ay noon lang nabigyan ng atensiyon ni Vivian si Ice. Kahit kinakabahan siya ay matapang pa rin niya itong hinarap. "B-bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo? Bakit hindi ka agad nagpakilala sa'kin?" Imbes na sagutin siya ni Ice ay ngumisi lang ito ng nakakaloko. Na para bang natutuwa pang makita ang pagka-shock niya. "It seems that the princess is afra

