Habang nakayakap kay Ice ay doon na naramdaman ni Vivian ang totoong antok. Isiniksik pa niya lalo ang kaniyang katawan kay Ice habang unti-unting bumabagsak ang mabigat na talukap ng kaniyang mga mata. At bago siya tuluyang mahulog sa malalim na pagtulog ay naramdaman ni Vivian na parang may humalik sa kaniyang noo. Hindi nga lang siya sigurado kung totoo ba iyon o guni-guni lang at dala lang ng sobrang pagkaantok. Madaling araw nang magising uli si Vivian dahil sa nararamdaman niyang parang matigas na bagay na nakatusok sa puson niya. At nang magbaba siya ng tingin ay namilog ang kaniyang mga mata nang makitang ang sandata iyon ni Ice at nakatutok sa kaniya. Gusto sana ng dalaga na itulak ang binata. Pero nakonsensiya naman siyang gawin iyon dahil maistorbo ang mahimbing na pagtulog

