"It's a long story. At ayokong sayangin ang oras ko sa pagkukuwento. Mag-party na lang tayo," wika ni Vivian at tinungga ang alak sa wine glass na inabot sa kaniya ng isang kasamahan nila. Bahagya pa siyang napapikit nang lumapat sa lalamunan niya ang init niyon. Naging masaya ang mga sumunod na sandali para kay Vivian. Walang tigil ang sayawan nilang magkakaibigan sa dancefloor habang pa-shot-shot ng alak. Kahit sandali lang ay nakalimutan ni Vivian ang mga problema niya sa buhay. Kaya nga ang pagdi-disco at pag-iinom na ang naging takbuhan niya sa tuwing nalulungkot siya simula nang saktan siya nina Clinton at Jessica. "Nasaan na ba sina Melody?" tanong ni Vivian kay Shaira nang mapansin niya na dadalawang babae na lang sila ang magkasama at nawawala sa paningin niya ang dalawa pa ni

