"Dapa!" malakas nitong sigaw. Pagkatapos ay may kinuha ito na kung ano sa ilalim ng upuan. Namilog ang mga mata ng dalaga nang makitang baril iyon. Wala siyang alam sa baril pero alam niya na isa iyong forty-five caliber gun, katulad nang mga napapanood niya sa mga pelikula. "B-bakit meron ka niyan?" Nag-angat siya ng ulo para makiusyuso. Ilang beses na siyang nakakita niyon sa ama at kapatid niya at sa mga tauhan ng mga ito. Alam niyang proteksiyon iyon laban sa mga tao na gustong silang saktan dahil sa yaman ng kanilang pamilya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi niya matanggap na mayroon din niyon si Ice. Natatakot si Vivian na baka maging mitsa pa ng buhay nito ang baril na iyon. "Paano kita mapoprotektahan kung wala ako nito?" pagsusungit na naman nito bigla

