"Alam mo ba na kaya ako nagagalit palagi sa'yo dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga narinig kong iyon? At hindi ko matanggap... Hindi matanggap ng puso ko." Kumunot ang noo ni Vivian habang wala pa ring tigil sa malakas na pagpintig ang puso niya. "B-bakit hindi mo matanggap?" Naguguluhan na napatitig siya sa mukha ng binata. "Because I like--' Hindi na natapos ni Ice ang gusto pa nitong sabihin nang makita nitong titig na titig siya rito. Saglit na natigilan ito hanggang sa nakipagtitigan din ito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Vivian ang mapakagat ng ibabang labi nang may makita siyang kakaibang emosyon na lumarawan sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. At nang bumalik sa mga mata niya ang tingin nito ay nan

