Typos and grammatical error ahead!! WARNING!!!!!! RED ALERT!!  ?????????? ANG CHAPTER NA ITO AY PARA LAMANG SA MGA MALALAWAK ANG PAG UNAWA. HINDI PWEDE SA MGA BATANG MAMBABASA! MATURED CONTENT! STRONG PARENTAL GUIDANCE! READ AT YOUR OWN RISK! =¤= Lagaslas ng tubig mula sa banyo ang naririnig mula sa kinauupuan ko. Hindi na kasi niya isinara ang pintuan doon kaya naman nag e-echo iyon sa buong silid. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pansinin sa nararamdaman ko. Ang saya bang naramdaman ko dahil sa singsing na suot ko ngayon na ilang dekada na niyang iniingatan. O ang kaba sa dibdib ko sa nagbabadya na naman posebleng mangyari ngayong gabi sa amin na hindi na naulit simula ng huling gabing iyon sa bahay dahil hindi na ako ulit pumayag pa. Pero.. Mas nanaig ang saya ko.

