# 8_Reallan "You can't run away from me." Hindi ko na naisara ang pintuan ng mabilis na iniharang niya ang paa at kamay sa pintuan. Nakipagtulakan pa ako para lang hindi siya makapasok pero di hamak na mas malakas siya kaysa sa akin kaya mabilis na nakapasok siya sa loob ng bahay kahit ayaw ko man sana. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Na kahit kinabahan na ako at pilit na pinatatag ko ang boses ko para ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. "What do you think little kitten." Sagot niya saka humakbang na palapit sa akin matapos niyang maisarado ang pintuan. Napahakbang naman ako paatras para lang makalayo sa kanya pero agad na nahawakan niya ako sa kamay at pinigilang makalayo sa kanya. "Where do you think your going?" Tama ba ako ng dinig at pakiramdam? May