SINCE the truth was prevailed, ang trabaho ni Phillip at ng kanyang mga kaibigan ay naisapubliko na rin. Even his rank became higher. “Saan ka pa, pare? Nagkaroon ng malaking pamilya, promotion, at love life,” pangangantiyaw sa kanya ng mga sutil niyang kaibigan. “Ang tagumpay ko ay tagumpay n’yo rin. But of course, makasarili ako when it comes to love life kaya wala akong maibabahagi sa inyo,” tugon niya kaya’t pinagbabatukan siya ng mga ito. “Gag*, alangan namang makipag-share kami diyan, eh sa ’yo ’yan, ’t*do,” nakatawang aniya ni Joe. “Hoy, Sandoval! Kahit mga simpleng mamamayan lang tayo, aba, may love life naman kami, ah. ikaw lang yata kasi ang walang sweetness sa katawan,” segunda ni Leo. “Tama, mga p’re. Kahit yata maghubad ang babae sa harapan niyan eh walang titindig na bal