SEAN POV "Why are you sad?" Lumapit ako kay Lei. Nakita ko syang mag-isa sa Sofa kaya nilapitan ko siya. Mukhang malalim ang iniisip. "I miss mommy althea." She said. Tumabi ako sa kanya. "Busy lang siguro siya kaya hindi ka pa niya nabibisita." Sagot ko. Ang totoo nga n'yan. Nag-aalala ako na baka layuan niya ako. Lalo na ngayun na wala akong karapatan sa kanya. Ilang araw ko na syang hindi makontak. Napapaisip nga ako kung pupuntahan ko ba siya para malaman ko kung ano na ang lagay ni Althea. Gustong-gusto ko syang makita pero alam kong hindi pwede. Na kay Althea na iyon kung gusto din ba niya ako makita. At sa tingin ko, 'yun na ang huling araw na makakasama ko siya. Mas priority ni Althea ang sarili nyang pamilya. Hindi ako o si lei. Nakikihiram lang ako ng oras. Maghihintay a