SEAN POV "Totoo bang nakunan ka sa anak natin?" Ulit ko sa tanong ko. Hindi makatingin sa akin si Althea. Mahigpit ang hawak niya sa mga kamay. "So alam mo na pala." Aniya habang sinasalubong ang mga mata ko. Mapait akong napangiti. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" May bahid na hinanakit na sabi ko. Wala akong kaalam-alam na magkakaroon na sana kami ng anak ni Althea. Ang masama pa doon ay isa ako sa dahilan kung bakit siya nakunan. Kung alam ko lang sana nung una. Edi sana inigatan at hindi ako papayag na masira pa lalo ang pamilya namin ni Althea. "Para saan pa sean? Wala na ang bata." kinuha ko ang vase na nakapatong sa table at binasag ito. Nagulat si Althea sa ginawa ko. "Karapatan kong malaman Althea dahil ako ang ama." Galit na saad ko. Umangat ang isang kamay niya at