3rd Person POV ANG KARUGTONG. . . NANLIIT ang mata ni Aldrich habang nakatitig pa rin si Ismael. Gano’n din naman ang ginawa ni Ismael sa karibal niya. “Game,” sabay nilang bigkas. Bumalik sila sa kotse at nagtungo sa malapit na mall. Pagdating nila sa grocery ay tig-isang kumuha ang dalawa ng malalaking cart. “Ang laki naman ‘yan?” tanong ni Savanna. “Marami akong bibilhin para sa’yo,” ngiting sabi ni Ismael dito. “Hala! Hindi mo na ako kailangan bilhan ng mga ganiyan. Okay lang ba na ako na lang ang bibili ng akin?” tanong ni Savanna. Malaki na ang utang na loob niya sa dalawa. Ayaw niyang umaasa na lang siya sa bigay ng iba kaya pinalitan ni Savanna ng maliit na push cart ang mga ito. “Ayan. Maliit lang na push cart ang bagay sa inyo kaya h’wag na kayong bumili pa ng para sa

