3RD PERSON POV DAGLING pumasok si Aldrich sa kuwarto ng daddy niya at bumungad sa kaniya ang mommy niya na nagbabantay. Napatingin siya sa kama at tanaw niya ang walang malay niyang ama na nakahiga lang dito. “Aldrich, anak,” sambit nito habang umiiyak saka niyakap siya. Kumunot ng noo si Aldrich dahil hindi niya maintindihan kung bakit nagkaganito ang mommy niya. Humiwalay siya ng yakap pagkuwan ay nagtanong siya. “What happened, Mom?” “Your dad...” Huminga ito nang malalim saka muling nagsalita. “...your dad has a lung cancer,” tugon na wika nito kaya natigilan si Aldrich at napatingin sa daddy niya. May kung anong lungkot siyang naramdaman sa puso niya nang malaman niya ito. “But dad is not smoking? H-How could this happen?” Hinawakan ng mommy niya ang dalawa niyang kamay. “F

