Kinabukasan. Araw na ng kasal n'ya kay Harry. Matapos ang mga nangyari kagabi, walang dahilan para umurong pa s'ya sa kasal. Naisuko na n'ya kay Harry ang lahat. Dapat lang na pakasalan s'ya nito. Nakuha na nito ang isa sa pinaka mahalagang bagay sa kanya. Hanggang sa pag gising nga n'ya ramdam pa n'ya ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan n'ya. Sana sa susunod hindi na ganoon kasakit. Para ma enjoy naman n'ya. Although nag enjoy naman s'ya kagabi kahit papano. Maaga silang umalis ni Harry nagtungo sa mansyon ng mga magulang nito. Doon daw kasi gaganapin ang kasal. Mga piling bisita lang imbitado sa side ni Harry. Sa side naman n'ya, sa pagkakaalam n'ya mga magulang lang n'ya at kapatid ang a-attend. Wala naman silang pinagsabihang iba. Kahit sina Tintin at Jake walang kaalam-alam sa n