Kanina pa s'ya nakatitig sa loob ng malaking silid na pina reserved n'ya. Pinili n'ya ang Hotel sa Los Angeles kung saan sila nag honeymoon ni Harry. Same Hotel, same room. Kaya lang this time mag-isa lang s'ya. Wala s'yang asawang kasama. Wala si Harry. As in mag-isa lang s'ya. Malungkot n'yang binaba ang mga gamit sa lapag. Saka lumakad palapit sa malaking kamang minsan na nilang pinagsaluhan ng asawa. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Pakiramdam n'ya naamoy pa n'ya ang amoy ni Harry. Pakiramdam n'ya nakikita pa n'ya sa kama ang gabing pinagsaluhan nilang mag-asawa. "Stop it Ysa. Lalo mo pang pinapahirapan ang sarili mo," bulong n'ya sa sarili. Pansamantala lang s'ya sa Los Angeles. Dahil lilipad s'ya sa New York malapit sa mga kamag-anak ng Mommy n'ya. May bahay sila doon at doo