Harry-1

1142 Words
"Ashley," tawag n'ya at pilit inaabot ang kamay ng kaibigan sa passenger seat. S'ya man ay halos hindi na rin makakilos dahil sa sakit na nararamdaman at tila may nakadagan sa may paanan n'ya kaya lalo s'yang hindi makakilos. Pinipilit n'yang ibuka ang mga mata para masilayan ang kaibigan sa passenger seat. "Ashley-" nanghihinang tawag n'ya sa kaibigan. Pero wala s'yang narinig mula sa kaibigan ni hindi rin ito kumilos ng maabot ang kamay nito. May nakapa s'yang basa na malagkit. Nagmulat s'ya ng mata kahit bahagya at nakita ang kaibigan na duguan. Nagkalat ang dugo sa mukha nito pababa at dugo ang nahawakan n'ya kanina. Nais n'yang sumigaw ng sumigaw pero walang tinig na lumabas mula sa bibig n'ya. Pagbukas ng kanyang mga mata puting kisame ang tumanbad sa kanya. Inikot n'ya ang mga mata sa buong paligid. Tanging puting kisame at dingding ang nakikita n'ya. Kung nasaan s'ya ay hindi n'ya alam pero hinala n'ya nasa isang silid s'ya ng ospital. Kung saan ospital ay hindi n'ya alam. Masakit ang buong katawan n'ya daig pa n'ya ang nabugbog. Isama pang nanunuyo ang lalamunan n'ya. Kung ilang araw na s'ya sa ospital ay hindi n'ya alam. Pero may pakiramdam s'yang matagal na s'yang nakahiga at kama. Natatandaan n'ya ang mga nangyari. Mabagal lang naman ang takbo ng kotse n'ya ng mula sa likuran ay banggain sila ng kung anong sasakyan at tumilapon ang kotseng sinasakyan nila ng kaibigang si Ashley. "Ashley,' usal n'ya ng maalala ang kaibigan. Inikot n'ya ang mga mata walang taong naroon ni isa. Mag isa lang s'ya sa silid at hindi n'ya maikilos ang mga paa. "Ashley," muli n'yang usal. Nais n'yang bumangon at bumaba ng kama para hanapin ang kaibigan. Nais n'yang malaman kung kumusta ito kung ok lang ba ito. Pinipilit n'yang bumangon kahit hindi n'ya magalaw ang isang paa. Nang tignan n'ya ang paa, may balot 'yon na hindi n'ya alam kung ano. At sinuri ang mga braso na may mga benda rin pero maliit lang baka mga sugat dahil sa aksidenteng nangyari. Nagawa n'yang maupo sa kama at sinuri muli ang mga paa, at sinubukan igalaw. Hindi n'ya maigalaw ang isang paa dahil mabigat at tila may semento 'yon, marahil dahil sa pagkakaipit n'ya sa kotse. "Si Ashley," muli n'yang usal, habang pinipilit na bumaba sa kama. Nang biglang bumukas ang pintuan. Nalipat sa bumukas na pinto ang atensyon n'ya. "Ysa!" Bulalas ni Marvin ng makita s'ya "Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Marvin isa sa mga kaibigan n'yang lalake. Kung bakit ito narito ay hindi n'ya alam. Mabilis s'yang linapitan at iniayos ni Marvin sa kama. Napigilan s'ya nito sa balak na pagbaba. "Si Ashley," tanong n'ya agad sa kaibigan ng maayos na s'yang naupo muli sa kama. Napansin n'ya ang paghugot ng malalim na hininga nito at nag-iwas ng tingin sa kanya. Kaibigan din ito ni Ashley sila ang magkakabarkada isama pa sina Jake at Tintin na magka relasyon. "Marvin!" Inis na tawag n'ya sa kaibigan dahil hindi nito sinasagot ang tanong n'ya. "Ysa kase-" naputol ang sasabihin pa sana ni Marvin nang parehong umagaw sa atensyon nila ang pagbukas ng pintuan. "Harry," gulat na sabi ni Marvin ng makita si Harry na pumasok sa loob ng silid. Si Harry ang fiance ni Ashley. Magpapakasal na ang mga ito sa susunod na buwan, at nasabi din ni Ashley sa kanya na buntis ito kaya mas lalong pinadadali ng dalawa ang pagpapakasal. "Harry," mahinang sambit n'ya sa pangalan ni Harry at napatitig rito. Napansin n'ya ang pagtigas ng mukha nito at pagtiim ng mga bagang. Isama pa ang masamang tingin nito sa kanya na tila ba ano mang oras ay sasakmalin s'ya nito. Napalunok s'ya at napalingon kay Marvin na nakatingin kay Harry. May nangyari bang masama kay Ashley? Tanong n'ya sa sarili. Dahil sa nakikita n'yang galit sa mukha ni Harry ay handa s'ya nitong patayin ano mang oras. Nakaramdam s'ya bigla ng takot sa anyo ni Harry. Hindi n'ya masyadong kakilala si Harry. Ipinakilala lang ito ni Ashley sa kanya. Nagkakilala daw ang dalawa sa New York ng mag bakasyon si Ashley roon, at nagkataon na taga San Miguel din daw si Harry kaya ng magbalik si Ashley ng San Miguel ay kasama na nito si Harry. Matapos ang halos isang buwan ay nagsabi si Ashley sa kanya na may balak na sila ni Harry na magpakasal. Nagulat pa s'ya ng sabihin ng kaibigan 'yon dahil napakabata pa nito sa edad na bente dos, pero ng sabihin ni Ashley na buntis ito ay hindi na s'ya nagsalita ng kung ano pa sa kaibigan. Isa pa mukhang masaya at mahal naman ni Ashley si Harry. "You!" Mabalasik na sabi ni Harry sabay duro pa sa kanya. Napapitlag s'ya ng halos sakupin ng malakas na boses nito ang buong silid ng ospital. "Harry, please she's not fully recover, kakagising lang din n'ya from death," narinig n'yang sabi ni Marvin habang hinaharangan ang balak na paglapit sa kanya ni Harry. Kumunot ang noo n'ya at kumabog ang dibdib sa nakikitang galit kay Harry. Nais na n'yang maiyak sa takot, kaba at kung anu-anong emosyon dala ng mga matatalim na mga mata ni Harry. "Damn it!" Mura nito at buong lakas na tinulak si Marvin. Napatili s'ya ng makitang tumilapon si Marvin sa sofa. "I'll kill you bitch!" Matalim na sabi ni Harry sa kanya at lumapit ito sa kamang kinauupuan n'ya. "Harry," bulong n'ya na sakto lang umabot sa tenga n'ya. Napatili s'ya ng maramdaman ang mga kamay ni Harry sa leeg n'ya. Mahigpit nitong hawak ang leeg n'ya at halos hindi na s'ya makahinga. Sinubukan n'yang pigilan ang mga kamay nito sa leeg n'ya, pero wala s'yang lakas para labanan ang lakas ni Harry na kung titignan ay nais nga s'ya nitong patayin. "Harry tama na!" Narinig n'yang sigaw ni Marvin. "Gagawin ko sa iyo ang ginawa mo kay Ashley!" Matalim na sabi nito. "Harry! Wala s'yang kasalanan aksidente ang lahat!" Narinig n'yang sigaw ni Marvin. Habang hinihila si Harry palayo sa kanya. "Dahil sa iyo nawalan ang mag-ina ko kaya dapat lang na patayin na din kita sa mga kamay ko!" Galit na galit na sabi ni Harry sa kanya. Sumunod na narinig n'ya ay mga sigawan ng mga bagong dating sa silid ng ospital at pinagtulungang ilayo sa kanya si Harry ng halos hindi na s'ya makahinga. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyayari pero tila naunawahan n'ya ang sinabi ni Harry. Dahil sa kanya nawala ang mag-ina nito. Anong ibig nitong sabihin? Wala na si Ashley? Umubo-ubo s'ya pakiramdam n'ya malalagutan na s'ya ng hininga. At bago pa man s'ya mawalan ng malay nakita pa n'ya ang pagwawala ni Harry na pinipigilan nina Marvin at Jake. Nasa tabi naman n'ya ang kaibigang si Tintin at maya-maya pa dumilim na ang buong paligid, kasunod ang pagbagsak n'ya sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD