Halos kaladkarin pa s'ya ni Harry papasok sa bahay ng makarating sila. "Bitiwan mo ko! Kaya kong maglakad!" Maktol n'ya. "No! Matigas ang ulo mo! Hindi ka sumusunod!" Sagot nito. Habang hawak-hawak pa rin s'ya nito sa braso. Paakyat na sila ng hagdan. Wala talaga itong balak pakawalan s'ya. "Sinabihan na kitang huwag makipagkita kay Marvin ginawa mo pa!" Galit na patuloy nito. Hindi na lang s'ya kumibo pa. Hanggang sa makarating sila sa loob ng silid. Handa naman s'ya sa ano mang parusang gagawin nito sa kanya. Handang-handa s'ya. Tinulak s'ya ni Harry papasok sa silid. Saka nito marahas na hinubad ang suot n'yang jacket. Nagulat s'ya ng una. Pero ng ma realize ang balak nitong gawin sa kanya. at Hinayan na lang n'ya ito. Handa na rin naman n'yang ibigay ang sarili rito. Nais na n'ya