Bago s'ya nagpahinga naligo muna s'ya. Nagbabad s'ya sa maligamgam na tubig sa bathtub. Nais mawala ang tensyon sa katawan. Nais n'yang ma i relax ang katawan at isip. Nais muna n'yang tumigil ang isip sa kaiisip ng kung ano ang mangyayari sa kanya simula ngayong gabi. Pinikit n'ya ang mga mata. Habang nakababad sa maligamgam na tubig. Nakaramdam ng kaginhawaan ang katawan n'ya pati isip. Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal sa ganoong posisyon. Ayaw na nga n'yang umalis, dahil nakakarelax sa katawan n'ya ang mainit na tubig. Isang tikhim ang narinig n'ya. Inisip na guni-guni lang n'ya kaya hindi muna s'ya nagbukas ng mga mata. "Masarap ba ang tubig?" Tinig na nagpamulagat sa kanya. Nanlalaki ang mga matang napalingon s'ya sa may tabi n'ya. Nakita n'ya si Harry na nakatayo sa tabi