"Kumusta si Ysa dyan?" Tanong n'ya kay Marco ng tawagan ang pinsan, matapos ipasundo ang asawa rito. Hindi kasi s'ya makakampante kung mananatiling mag-isa ang asawa sa Hotel na 'yon. Malayo man ang Los Angeles sa San Miguel. Natatakot pa rin s'ya sa kaligtasan ng asawa. Hindi nila alam kung ano ang umiikot sa isip ni Marvin. Hindi nila kung ano ang kaya nitong gawin. Lalo na't obsessed si Marvin sa asawa n'ya. "She is ok. Nasa guest room na s'ya nagpapahinga. Kanina pagdating namin doon nanginginig s'ya sa takot. Buti na lang Savannah is with me. Napakalma naman n'ya agad si Ysa," paliwanag ng pinsan sa kanya. Laking pasalamat talaga n'ya at nasa Los Angeles si Marco kasama ang gilfriend nitong sikat na modelo si Savannah. "Thank you bro. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka d'