"Nasabi mo na ba kay Ysa ang lahat?" Tanong ni Marcus sa kanya ng puntahan s'ya nito sa opisina n'ya. "Not yet," agad na sagot n'ya. Alam na n'ya ang totoo tungkol kina Ashley at Marvin. Alam n'yang si Marvin ang ama ng dinadala ni Ashley at ito ang kasamang lalake ni Ashley nagtungo sa Abortion Clinic. Alam na n'ya lahat ang baho ng babaing muntinkan na n'yang mapakasalan. Ang babaing nagpaikot sa kanya ng ganoon. "Why? Natatakot ka bang iwan ka n'ya, dahil wala naman talaga s'yang kasalanan?" Marcus asked. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Saka tumayo mula sa kinauupuan. Tumanaw sa labas ng bintana. Paano ba n'ya sasabihin sa asawa ang totoo, kung ang magiging kapalit ng katotohanan ay mawawala ito sa kanya? Hindi n'ya kayang mawala pa sa kanya ang asawa. Hindi n'ya kakayanin k