Chapter 6 Magnus Othello's P. O. V. Kinabukasan ay parang labag sa loob kong iwanan si Thana sa bar. Kailangan ko umalis, kailangan ko gumawa ng pera dahil balak ko ulit bumili ng bagong sasakyan pero race car naman. Umuwi ako sa amin dahil kailangan ko ng mga bagong damit mula sa closet ko. Pagdating ko sa mansion ay tahimik, mukhang wala sila. Mabuti na 'yon kaysa dadatnan ko sila at magbabangayan na naman kaming pamilya. "Sir, mabuti at umuwi na kayo, gusto niyo po bang kumain?" tanong ni Manang habang sinasalubong ako. Binaba ko ang laptop bag ko sa sofa at kinuha iyon ng katulong namin. "Ano ba ang pagkain?" tanong ko. "Nagluto po ako ng sinigang dahil request ng ate niyo, umuwi kasi siya dito kanina at hinahanap si Ciel." "Akala ko ba hindi na siya uuwi d