Chapter 11 Anton Parang toniladang bigat ang nakawala sa dibdib ko. Kaginhawaang ngayon ko lang naramdaman. Iyong wala na akong pake sa sakit na naidulot sa akin ng nakaraan. Bigla nalang naglaho ng parang bula dahil sa pag amin ng sarili kong nararamdaman. Nakayakap parin ako sa kanya. Hindi na mabilang kung ilang minuto na ba ng yakapan naming dalawa. "Let's go inside." He whispered and tousled my hair. Napasimangot ako. "Let's go home. Let's talk about our wedding..." Paglalambing ko. Tila malakas na ang tama ko. Humalakhak lamang ito at hinawakan ang aking baba para matingnan ako. "Are you sure?" Paninigurado nito. Inirapan ko s