Hindi ko matanggap ang nangyari. I really cannot accept the fact that I lost my babies. Contextual twin. Magkadikit ang katawan ng babies ko. Ang sakit sakit na makita ang kanilang maliit na nakahulmang katawan na natatabunan ng dugo. Halos hindi ko bitawan ang jar na naglalaman ng mga anak ko. We decided to bury them immediately. I could barely eat in the days gone by. Halos hindi ko rin nakakausap si Anton. Nalulungkot ako at natatakot. Si Anton ay halos ilugmok narin ang sarili sa trabaho. Parang bumalik iyong dati na nag iisa nalang ako. Gusto kong makausap si Anton ngunit hindi ko magawa. Ayos na sa isang araw na binabati niya ako ng "good morning" at hahalikan sa noo. Alam ko at nararamdaman ko na malamig ang pakikitungo niya sakin. Bawat gabi ay nakikita ko siyang naglalasing