Third Person POV "Nakita niyo ba si Ms. Dimakalipad?" kahit sino na ang pinagtanungan ni Beth ngunit napailing lamang ang mga ito. Ngayon niya na-realized na hindi nga pala kilala ng iba nilang models si Angel. "Malalagot yata ako kay Mr. Vinzon." napakamot siya ng ulo. Sinabihan niya kasi si Angel na magpahinga ngunit hindi niya sinabing umuwi na kaya baka nandito pa rin ito at nagpapahinga lang. Ibinilin pa naman sa kaniya ni Mr. Vinzon na gusto itong makita o makausap. Ngunit paano pa mangyayari iyon kung nakauwi or nakaalis na ito. Hindi tuloy siya mapakali sa kinaroroonan niya. Ilang beses niyang tiningnan ang kaniyang phone. Nagdadalawang isip na tawagan si Mr. Vinzon. Ipapaalam niya sana na wala na si Angel dito sa building ngunit natatakot siya na baka mapagalitan siya ni Mr.

