"Mommy, I wanna go with you." "Anak, hindi puwede. Magtatrabaho si mommy. Walang magbabantay sa 'yo doon." "But I want to go with you, mommy. I'm bored in the house na po. Sila tito kasi kung ano-anong corny ginagawa nila eh! Si tito Arjay always kiss tita Thea, si Tito Arnold naman always call his girlfriend nakaka-bored kaya." Jusko na bata ito. Ang dami talagang demmand. Gusto ko man siyang isama ngunit hindi puwede. Bukod sa walang magbabantay sa kaniya ay nandoon pa ang tatay niya. Hindi sila puwedeng magkita. Ang swerte naman yata ng lalaking 'yon kung ganoon niya lang kadaling makita ang anak niya. "Gusto mo bang sumama?" sabay kaming napatingin ng anak ko sa pintuan nang may biglang magsalita mula doon. "Daddy!" sigaw ni Adeline tsaka ito tumakbo ng mabilis palapit sa ki

