Third Person POV HABANG binabantayan ni Mosi ang batang babae. Dinala niya muna ito sa dining para ihanda ng pagkain. "Anong gusto mo na pagkain, baby? Gusto mo ba fried chicken?" "Ano po ang pangalan niyo?" sa halip na sagutin ang tanong niya ay tinanong naman nito ang pangalan niya. "Mosi...ako si Manang Mosi mo." "Mosi?" tila ba nag-isip ang batang babae. "Mosi mosi anoni?" tanong nito na ikinatawa niya. "Mosi lang anak. Ikaw talaga ang dami mong alam. Ipaghahanda kita ng pagkain kaya ano ang gusto mo? Fried chicken ba?" Umiling ito. "Nagsawa na po ako sa fried chicken." Bahagyang natawa si Mosi. "Eh! Anong gusto mo?" "Gusto ko po ng egg." "Egg? Bakit minsan ka lang ba nakakakain ng egg?" "Ayaw ko lang po sa mother ng egg. Gusto ko lang yung walang life. Nakakaawa p

