"Anong ginagawa ng gagong 'yan dito?" kaagad na tanong ni Kuya Arnold habang nakakuyom ang kamao nito. Mukhang may balak na rin itong sugurin si Alden at suntukin. "Kuya..." nilapitan ko kaagad ito para pigilan kung ano man ang gustong gawin. Binalingan ko si Alden. "P-paano mo nalaman nandito kami?" "Thea told me. I waited for a few hours outside your gate house but suddenly your brother Arjay and Thea arrived." "K-kilala mo si ate Thea?" halos hindi ako makapaniwala. Sa pagkakabanggit niya kasi sa pangalan nito ay parang matagal niya ng kilala. "Yup, our parents were friends back then." "Anong ginagawa mo dito? Pagkatapos mo talikuran ang pinagbubuntis noon ng kapatid ko nandito ka para ano? Para humingi ng tawad?" lumakas ang boses ni Kuya Arnold. Hindi ko na napigilan pa ito

