Chapter 14 There was only a small bag with food that she intended to cook this morning for Abraham. She purposely did not go to work to give him a surprise. Ngayon kasi ang monthsary nila bilang magkasintahan. Pagbaba niya ng taxi agad siyang pinagbuksan ng security guard ng pintuan sa entrance ng kumpanya. Kilala na kasi siya sa kumpanya bilang girlfriend ng Presidente ng kumpanya kaya naman naging espesyal na rin ang trato sa kanya ng mga tao . “Ma’am, sasabihin ko kay sir na nandito kayo. Itatawag ko po,” sabi ng security guard. “'Wag niyong sabihin dahil hindi niya alam na pupunta ako rito. Nandito ako para surpresahin siya.” “Ay! Sige po.” “Salamat.” Pagkatapos nagpatuloy siya sa paglalakad at sumakay ng elevator upang makarating sa office ni Abraham. Kahit kasi naguguluhan siya