Careela's POV “Okay ka lang ba riyan, Caree?” Nag-aalala na tanong ni Chelsea nang lumingon siya rito sa backseat kung saan ako naroroon at nakaupo. Wala kasi akong imik nang makalabas na kami ng La Union. Tapos baka napansin ni Chelsea na malalim ang aking iniisip kaya heto at hindi na siya nakatiis na magtanong. “Ang tahimik mo nga, Caree. May problema ba?" Komento naman ni Deborah sa akin nang mapansin din nito ang pananahimik ko mula rito sa likuran. Naroon sila sa harap ni Chelsea at magkatabi sa front seat. Habang ang mga bodyguard naman nila ay nakasunod sa amin sa likuran para antabayanan ang aming biyahe. Gusto sana ng driver ni Deborah na siya na lang ang mag-drive dahil baka mapagalitan ito ng daddy niya kapag nalaman na siya ang nagmaneho sa sasakyan pagtungo namin sa Pampang