Steven's POV “Putang-ina! Hindi na siya lumabas sa kwarto ni Careela!” Bulalas ko sabay hampas sa bintana ng kotse na kinalululanan ko. Kanina pa ako nag-aabang sa paglabas ni Erwhan sa condo unit ni Careela but until now he is still inside. Halos mamuti na ang mga mata ko kakaabang sa paglabas niya habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Hindi ko ito inalisan ng tingin habang panay ang hitit ko sa hawak kong stick ng sigarilyo. Nakaubos na nga ako ng isang pakete ng sigarilyo nang hindi ko namamalayan. Sobrang stress na ako habang nakatingin ako sa pintuan ng condo unit ni Careela na kanina ko pa inaabangan na iluwa si Erwhan. Dito lang nakapokus ang tingin ko simula pa kanina at naiinis akong isipin na baka umagahin na yata ako rito sa pag-aabang sa paglabas ng aking kapatid. I