Erwhan's POV “Good morning, Mom…” patamad na bati ko kay Mommy nang sagutin ko ang tawag niya pagkatapos ng dalawang ring. Wala sana akong balak na sagutin ito dahil alam ko naman kung saan ito papunta. Ayaw ko lang lumabas na bastos dahil hindi niya ako pinalaki ng ganito. Pagtiisan ko na lang ang pangungulit niya kaysa naman bigyan ko siya ng aalalahanin kapag hindi ko nasagot ang tawag niya. Mamaya isipin pa niya na nagtatampo ako sa kanila kaya hindi ko sinasagot ang kaniyang pagtawag. “Good morning too, son. Uwi ka na…please…” bungad agad ni Mommy dahilan para humugot ako ng malalim na paghinga at mawalan ng ganang bumangon para magluto ng aking almusal. I am going to work today because Ms. Glenda reminds me of my two meeting today that I should attend because of the investors who