Careela's POV Manghang-mangha ako habang nakatingin ako kay Maria Vaniella na mahinhin na naglalakad patungo rito sa aking kinaroroonan. Kinakapos ako ng paghinga na hindi ko mawari dahil sa lakas ng dating niya. Kahit napakasimple ng suot niyang puting dress na hanggang tuhod ang haba. Still, she looks stunning and elegant. Tapos, tinernuhan pa niya ito ng puting sneakers, puting kabello hat, at isang simpleng maliit na bag na bumagay sa kabuuan ng porma niya. Halos kaedaran ko lang yata siya o baka mas ahead siya sa akin o ako. I don't know. Wala rin kasi akong masyadong alam sa mga kaibigan ni Steven lalo na sa mga asawa nila. Iilan lang ang kilala ko at close ko dahil siguro minsan lang silang magsasama sa isang pagtitipon o importanteng selebrasyon na dapat ay present silang lahat.