Careela' s POV "Kaya mo 'yan, Marina Careela Francine!" bulong ko sa aking sarili habang binabaybay ko ang madilim na pasilyo. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko patungo sa pasilyo kung saan ay papunta ito sa kwarto ni Erwhan. Mabuti na lang at madilim sa paligid at hindi ako makikita sa CCTV kung i-review man nila ito kinabukasan. Para kasi akong magnanakaw sa dilim na takot mahuli sa paraan ng ginagawa kong paglalakad. Sobrang gaan ng mga hakbang ko na pati ang aso ay malamang hindi ito maramdaman. Wala akong makita sa totoo lang ngunit unti-unti ay nasasanay na ako sa dilim. Kita ko na ang kwartong pakay ko at sana hindi ito naka-lock dahil hindi ko alam kung paano ko magagawa ang pakay ko kung naka-lock ang pinto. "Hindi na lang kaya ako tumuloy?" tanong kong muli sa ak