PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — "How was Ana?" tanong ni Yana nang makapasok sa opisina ni Cyden. "She delivered a healthy baby boy." Ngumiti ito. "I'm sure Miguel was very happy." "Yeah, he wants to stay at home for the whole week. Pinagpaliban niya muna ang pagpasok niya rito." Bumaling din sa akin si Yana at bumati nang may ngiti sa mga labi. Kung hindi ko pa narinig na pinag-uusapan nila ang tungkol kay Ana, hindi ko malalaman na nanganak na pala ito. I at least wanted to message her and congratulate her. Bumaling sa akin si Cyden. "Thank you, I will review this." Tukoy nito sa mga papel na binigay ko sa kaniya. Tinanguan ko ito at humakbang na palabas ng opisina. "How's the proposal? Did your client like it?" Narinig ko pang tanong ni Cyden bago ako tuluyang makalabas ng opis