PAYNE IRENE FABILA-ABELLERA — Maaga akong gumising para magluto ng almusal. Nailipat na namin karamihan sa mga gamit kahapon sa bahay na lilipatan namin malapit sa building pero hindi pa namin naaayos ang mga iyon. Kanina ko pa tinitingnan si Cyden habang tahimik itong kumakain ng almusal. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin ng... happy anniversary. 3 months pa lang bago iyon, ni-note ko na sa phone ko para hindi ko makalimutan. I didn't realize I didn't need it. Naunahan ko pa ang alarm ko. It was our first anniversary that I didn't wake up with kisses and greetings from him. It was the first time na walang mga bulaklak sa loob ng silid at mga regalo. I thought it was my chance na ako naman ang maghanda. I just cooked his favorite breakfast. Madalas kasing siya na ang bumi