CYDEN LANDER ABELLERA — Dinaan ko ang anak ko sa school paggaling sa opisina. I just attended a meeting and thought of having lunch at home. Hindi ito naubusan ng kuwento kahit buhat ko na siya papasok sa loob ng bahay. Nakita ko rin agad si Irene na papalapit sa amin na may malawak na ngiti sa mga labi. I loved that smile; it moved a part of me. Parehas niya kaming binigyan ng halik at sinundan kami sa living room. Sa mommy niya naman siya nagpabuhat at nagkuwento. She was very excited to show the marks on her skin. Iyong nilalagay ng teacher kapag nakakasagot sila. Tinulungan siya ni Irene na buksan ang bag niya. Napansin nito ang toy keychain na nakasabit sa zipper. "This is so cute, who gave you this?" "Grandma gave that to me!" Nag-angat ng tingin sa kaniya si Irene. "Grand