EENOS NIKOLAI BERMUDEZ __ "Sino 'yung kasama mo?" tanong ko habang sumusunod ako sa kaniya papasok sa loob ng mansion. Tila wala itong narinig. Nag-iinit pa rin ang ulo ko. Sanay ako at alam kong hilig niya ang pumunta sa iba't-ibang lugar pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hinihingan ako ng update ng daddy niya almost all the time. Ayokong sabihin rito na hindi ko alam kung nasaan siya dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya ako ang may pananagutan sa kaniya. "I've never seen that man before. Umalis ka kasama ng taong hindi mo kilala, huh?" Napahinto rin ako agad nang bumaling ito sa akin. Nakita ko ang dalawang pares ng mga matang iyong kasing-kulay ng mga tsokolate. "Stop overreacting." Nagtangis ang bagang ko. "I'm not over reacting. This is how I protect." "Or how you get