ALENSLEY CASTIEL LA GUARDIA __ "Oh, anong nangyari r'yan sa mukha mo?" tanong sa akin ni Lana habang nasa gilid kami ng bukid kung saan kami madalas magkita. "Balita ko nakipag rambulan ka sa Sanville at kay Eenos pa talaga." "Masyado kasi siyang mayabang." "Baka ikaw ang nagyabang. Hindi naman ganoong klase ng tao 'yon at saka hindi naman 'yun mananakit kung wala kang sinabi o ginawang masama." "Psh, sino ba talaga ang kaibigan mo? Ako o siya?" "Napuruhan ka niya, 'no?" "Bakit naman ako mapupuruhan no'n? Malaki ang braso niya pero hindi ako papayag. kaya ko nga ng ten rounds nang hindi nanginginig ang tuhod ko." "Puro ka talaga kabastusan. Eh bakit nga namamaga 'yang mukha mo? Ah..." Tumango ito, "Si Uncle Ray mo ang may gawa. Ginulpi ka na naman niya, ano? Sa basagulero mong 'yan